Thursday, November 13, 2014

Ang aking trauma sa mga barbero

Mejo naiinggit ako sa ibang mga dude kasi pag nagpapagupit sila lalo silang pumopogi. Nagigigng astig sila kaya almost every week sila nagpapagupit. Pero parang kabaliktaran saken. Parang every time nalang na nagpapagupit ako lalo akong pumapanget. Panget na nga ako papangitin pa lalo ng gupit ko.
          Every haircut ko nga eh nagpapalit ako ng barbershop o salon dahil every time na nagpapagupit ako panget ang kinakalabasan. Para bang pag nagpaplano ako magpagupit nagmemeeting lahat ng barbershop at salon at pinaplanong pangitan ang gupit ko.
          “O, alam nyo na ah, pag nagpagupit yang taong yan pangitan nyo ah. Siguraduhin nyong di sya magkaka-girlfriend at magiging virgin sya habang buhay.”
          Kahit na sabihin ko sa barbero na yung gupit ko sana ay bagay saken, ang kinakalabasan parin ay isang gupit na magiging sentro ng katatawanan sa PWU. Yung feeling na pinagtitinginan ka sa jeep kasi parang pinageksperimentuhan ka ng barbero.


          May time pa nga na pinagmuka akong cartoon character nung barber. Yung gupit na pantay lahat. Geometer siguro yung barbero kaya pinagmuka niyang perfect circle yung ulo ko. Yun talaga yung time na naging sentro ako ng atraksyon sa room. Yung time na yun basta may tumawa lang, kahit di saken natatawa, maiinis ako. Nung binalikan ko yung barbero, sinabihan ako nung may-ari na tinanggal na daw yung putanginang yun dahil malakas daw talaga yun mantrip ng buhok ng kostumer.
          Kaya ayaw na ayaw kong humahaba ang buhok ko dahil isang traumatic experience ang magpagupit para saken. Every time na nagpapagupit na ako lagi kong binubulong sa utak ko, “please, don’t suck… please, don’t suck…” … and it will still suck. 

Note: yung Shasha Grey pampapukaw lang ng attention.

No comments:

Post a Comment