Sunday, December 21, 2014

From Sex to Politics to Education—Everything is Business

May dalawang reasons kung bakit sinimulan mong basahin to: una, kasi nakita mo na may ‘sex’ sa title kaya napukaw ang attensyon mo; pangalawa, dahil interested ka sa social happenings. Ngayong nasimulan mo na, sana tapusin mo na.

          Halos lahat na ata ng institusyon sa Pilipinas ay business: ang gobyerno ginagawang business ng mga politicians, ang kaban ng bayan ginagawang business ni Napoles, pati mga educational institutions ay business na ng mga naglalakihang mga businessmen (tulad ni Henry Sy na stockholder na ng De La Salle University at may ari na ng National University), pati ilang simbahan dito sa Pilipinas tulad ng Iglesia ni Cristo ay family  business ng pamilya Manalo, pati Intramuros na supposedly ay isang Heritage Site ay may mga commercial buildings na sa loob, at ngayon ni hindi natin mapigilan ang pagpapatayo ng isang condominium na sumisira sa view ng Rizal Monument sa Luneta. Halos lahat na ng institusyon sa Pilipinas ay commercialized na. At sa sobrang commercialized na ng kultura nati ay okay nalang na bastusin natin ang sarili nating sibilisasyon.

          Dahil ang edukasyon ang bumubukas ng pinto sa kinabukasan ng bayan, patuunan natin ng pansin ang commercialization ng mga educational institutions. Oo, isang dahilan kung bakit tayo nagtatayo ng isang eskwelahan ay dahil gusto natin ng profit. Ang mga Dominicano, Franciscano at mga Hesuita ay nagtayo ng mga eskwelahan sa Pilipinas hindi para lang magpaaral ng mga tao, kundi para rin sa profit. Pero hindi maituturing na “business” ang mga eskwelahang itinatag nila dahil, bagamat oo business ang isa sa kanilang pakay, hindi iyon ang mismong layunin nila dito. Mas pinagtutuunan nila ng pansin ang pagbibigay ng isang edukasyong Katoliko para sa mga Katoliko.

          Mayroon kasing dalawang klase ng educational institution: non-profit at profit. Yung non-profit, yun yung institution na mostly for education purpose at kakaunti lang ang purciento na pang business. Yung profit naman, yung mostly for business talaga, for profit.  Yung mga institusyon na pinagmamayari ng mga Franciscano at Dominicano ay non-profit since ang pangunahing pakay ng mga ito ay magbigay ng edukasyong Katoliko para sa mga Katoliko. Non-profit rin ang University of the Philippines since ang pangunahing layunin nito ay magbigay ng quality education sa mga taong maituturing na halimaw sa talino. Habang Profit Institutions naman ang mga institusyong pagmamayari ng mga businessmen, tulad ng mga eskwelahang pagmamayari na talaga nila Henry Sy at ng mga Tangco.  

          So ano ngayon ang pinaglalaban ko dito?... Ano ba ang mangyayari sa lipunang binubuo ng mga commercialized na mga institusyon? Eto ang mga posibleng mangyari:
     
     1. Magkakaroon tayo ng isang lipunang selfish. Since ang mga businessmen ay makasarili at gusto lamang na kumita ng kumita ng kumita hanggang sa ang buong mundo ay kanila na, ang mga institusyong pagmamayari nila ay magiging makasarili rin ang pamamalakad. Kakalat ang epidemyang ito sa lipunan at gagawa ng isang lipunang makasarili. Napansin ko rin na marami nang mga Pilipino ang tumitingala sa mga businessmen. Kung magpapatuloy ang pag-a-idolized natin sa mga makasarili, dahil fans tayo, may tendency tayo na gayahin sila at maging makasarili rin.
     
     2. Isang lipunang tulad ng Estados Unidos. Kung titignan mo ang kasaysayan ang kaisipan ng commercialism ay impluwensya ng mga Amerikano sa atin. Nang dumating sila dito sa bansa, ginawa nilang isang bagay na pwedeng bilhin ang sex na nung una’y tinitignan natin bilang sagrado. Ang pasko na isang religious holiday kung saan ang tunay na diwa ay pagsasama ng buong pamilya sa atin ay kinommercialized nila at ginawang holiday kung saan bibili tayo ng mga mamamahaling regalo na kanilang ginawa. Kung magpapatuloy tayo sa pagtanggap ng commercialization, tayo ay maaari nang matawag na mga Amerikanong Brown. Kung talagang alam mo kung anong klaseng lipunan ang Estados Unidos, malalaman mo kung bakit masama maging isang Amerikano.
    
     3. Isang lipunang walang respeto sa kultura at sibilisasyon. Walang kultura sa mundo ng negosyo. Gagawin lahat ng mga negosyante para lang kumita. Kahit bastusin ang monumento ng isang pambansang bayani ay gagawin nila para lang kumita.

                                      Courtesy of: Lew Benedict Cañete Ranes 

         Nang pamasok ako sa Philippine Women’s University (PWU), nakita ko ang mga advantages ng isang edukasyong hindi pinapatakbo ng mga negosyante. Dahil ang mga Benitez (ang pamilyang nagmamay-ari sa PWU), bagamat mga negosyante rin sila, sila ay mga edukado at may sapat na kaalaman sa edukasyon, mas may alam sila sa pagbibigay ng sapat na academic needs ng mga estudyante. Kung matutuloy na makukuha na talaga ng mga negosyante ang PWU, maraming magbabago, at isa na rito ang pagbabawas ng pagbibigay ng sapat na academic needs sa mga estudyante nito. Marami na akong narinig na mga educational institution na nasira ang dating reputasyon dahil nailipat ang administrasyon sa mga negosyante. Ang minsang mga magagandang eskwelahan na nakuha ng mga negosyante ay tila naging mga mall at kung minsan ay ginagawang marketing device ang mga school publications. Mas pinagtutuunan rin ng pansin ng mga commercialized na mga eskwelahang ito ang athletics kaysa academics dahil mas napapasikat nila ang eskwelahan sa pamamagitan nito para maraming mag enroll at marami ang kita ng mga negosyante. Bakit? Dahil walang alam ang mga negosyante sa academic needs ng mga estudyante at wala silang gusto kundi ang kumita! Gumanda nga ang eskwelahan dahil naging kasing linis ng mga mall, pero naibigay ba ang sapat na edukasyon?

See the story about the Tangco takeover of PWU here

No comments:

Post a Comment